Israeli isasahog kina Steph, Klay

Mukhang nakahanap na ang Golden State Warriors ng paggagamitan nila sa No. 2 pick ng 2020 NBA Draft.

The post Israeli isasahog kina Steph, Klay first appeared on Abante.

israeli isasahog kina steph klay - Israeli isasahog kina Steph, Klay
deni avdija - Israeli isasahog kina Steph, Klay

Mukhang nakahanap na ang Golden State Warriors ng paggagamitan nila sa No. 2 pick ng 2020 NBA Draft.

Napabilib raw ang Warriors bosses, kasama si coach Steve Kerr, nang matasahan ang kalibre ng isa sa top prospects ng draft ngayong taon – si 19-year-old Deni Avdija.

Pinag-workout daw ng Warriors ang Israeli noong Huwebes.

Mula kay Ethan Strauss ng The Athletic:

“By all accounts, it was a positive get together, one in which the 19-year-old Israeli impressed observers. Not only did Avdija perform well in the workouts, but Warriors officials were blown away after meeting with him. The universal takeaway was that he’s a ‘great kid’ with an immense work ethic.”

Baka nasipat ng Warriors na puwedeng isahog si Avdija sa nucleus nina Stephen Curry, Klay Thompson at Draymond Green.

Walang palya sa Finals sa huling limang taon ang Golden State, kampeon sila sa tatlo. Pero nitong 2019-20, NBA-worst ang 15-50 record ng Warriors. (VE)

The post Israeli isasahog kina Steph, Klay first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *