Irving tinopak, tinamad maglaro

Mapapansin nitong Biyernes (Manila time) na hindi umakson para sa Brooklyn Nets si All-Star guard Kyrie Irving kontra sa Philadelphia 76ers dahil umano sa “personal issue” nito.

The post Irving tinopak, tinamad maglaro first appeared on Abante.

irving tinopak tinamad maglaro - Irving tinopak, tinamad maglaro
abante kyrie - Irving tinopak, tinamad maglaro

Mapapansin nitong Biyernes (Manila time) na hindi umakson para sa Brooklyn Nets si All-Star guard Kyrie Irving kontra sa Philadelphia 76ers dahil umano sa “personal issue” nito.

Una nang napabalita na hindi maglalaro ang veteran guard dahil sa kanyang “personal issue” kaya naman ikinagulat ito ni Nets head coach Steve Nash.

Ibinahagi ng 46-year-old tactician na hindi nito alam ang dahilan kung bakit umabsent ang isa sa kanyang star player at sinubukan pa nitong tawagan si Irving.

“Steve Nash said he does not know why Kyrie Irving won’t play tonight against the Sixers, as in, he is unaware of what KI’s personal issue is. Nash said he reached out to Kyrie and did not hear back,” tweet mula kay Joe Vardon ng The Athletic.

Ngunit isang tweet naman ang lumabas na nagsasabing para bang ‘tinamad’ lang ang one-time NBA champion kaya hindi ito naglaro.

Tweet mula kay Brandon ‘Scoop B’ Robinson, Senior Writer sa Heavy.com, “Kyrie Irving’s reasoning for not playing in tonight’s game per a close source: ‘I just didn’t want to play.’”

Hindi naman ito naging hadlang para sa Nets, kahit pa wala rin si All-Star swingman Kevin Durant para sa koponan.

Wagi ang Nets kontra Sixers sa iskor na 122-109 sa pamumuno ni Joe Harris na nagtala ng 28 points, anim na rebounds at apat na assist. (JAToralba)

The post Irving tinopak, tinamad maglaro first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *