Irving namudmod ng P74M sa WNBA

SA gitna ng pandemic coronavirus, nangibabaw ang pagiging makatao ni Brooklyn Nets superstar guard Kyrie Irving.

irving namudmod ng p74m sa wnba - Irving namudmod ng P74M sa WNBA
abante kyrrie - Irving namudmod ng P74M sa WNBA

SA gitna ng pandemic coronavirus, nangibabaw ang pagiging makatao ni Brooklyn Nets superstar guard Kyrie Irving.

Magbibigay ang beteranong baller ng US$1.5 million (halos P74M) sa mga WNBA player na hindi maglalaro ngayong season dahil sa pangamba sa COVID-19.

Magmumula ang pera sa ‘KAI Empowerment Initiative’ na ini-launch ni Irving nitong Lunes.

Nabatid ni Irving ang pangamba ng ilang WNBA player mula naman kina Natasha Cloud – na hindi maglalaro ngayong season, at Jewell Loyd.

“Whether a person decided to fight for social justice, play basketball, focus on physical or mental health, or simply connect with their families, this initiative can hopefully support their priorities and decisions,” sambit ni Irving. (Ferdz Delos Santos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *