Irving, Durant nilatigo Celtics

PASABOG ang balik ni Kyrie Irving sa Boston nitong Christmas Day.

The post Irving, Durant nilatigo Celtics first appeared on Abante.

irving durant nilatigo celtics - Irving, Durant nilatigo Celtics
abante NET - Irving, Durant nilatigo Celtics

PASABOG ang balik ni Kyrie Irving sa Boston nitong Christmas Day.

Umiskor si Irving ng 37, dinagdagan ng 29 ni Kevin Durant at hinagupit ng Brooklyn ang Celtics 123-95.

Sa first regular season game niya sa Boston sapul nang tumalon sa Nets noong nakaraang season, 13 of 21 sa field si Irving, nagbaon ng pitong 3-pointers at namigay ng 8 assists.

May 17 na siya sa first half bagama’t iwan ng tatlo ang Nets.

Humarabas sa second half ang Brooklyn nang ma-outscore ang Celtics 72-41 pagkatapos ng break.

Ngayon lang ulit nakabalik sa Christmas Day schedule ang Nets sapul noong 2013.

Siyam sa 16 na bitaw ang naipasok ni Durant, nag-take charge sa third quarter sa 6 of 7 shots tungo sa 16 points.

Nag-ambag si Caris LeVert ng 10 points sa Brooklyn, inumpisahan ang season sa 2-0 sa unang pagkakataon sapul noong 2010-11.

Binitbit ng 27 points ni Jaylen Brown ang Boston, may 20 points at 8 rebounds si Jayson Tatum at 13 kay Marcus Smart. (VE)

The post Irving, Durant nilatigo Celtics first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *