Irish totodo sa bubble training

WALA sa kukote ni Irish Magno ang mag-relax ngayong 2021 dahil desidido itong sumungkit ng gintong medalya sa Tokyo Olympics na ilalarga sa Japan sa Hulyo.

The post Irish totodo sa bubble training first appeared on Abante.

irish totodo sa bubble training - Irish totodo sa bubble training
Irish Magno 1 - Irish totodo sa bubble training

WALA sa kukote ni Irish Magno ang mag-relax ngayong 2021 dahil desidido itong sumungkit ng gintong medalya sa Tokyo Olympics na ilalarga sa Japan sa Hulyo.

Todo ensayo ngayon si Pinay boxer Magno dahil papalapit na ang araw na kanyang mimimithi.

Matagal na natengga si Magno dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic, kaya wala pa itong pormal na training simula nang isailalim sa Enhanced Community Quarantine ang Pilipinas noong Marso nakaraang taon.

Sa online training lang nagpapakondisyon si Magno kaya nananabik na ito sa pagbabalik ensayo sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Naniniwala si Magno na babalik ang dati nitong kondisyon kapag nakapagsimula na ito ng training.

Bukod kay Magno, ang ibang may ticket na sa quadrennial meet ay sina world champion Carlos Edriel Yulo ng gymnastics, SEAG pole vault record holder Ernest John Obiena at boxer three-time Southeast Asian Games champion Eumir Felix Marcial. (Elech Dawa)

The post Irish totodo sa bubble training first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *