Ipagdasal natin si ‘Kaiju’

NAKAPAGDESISYON na ang high school basketball prodigy na si Kai Sotto, tinaguriang Kaiju, na habulin ang kanyang NBA dream sa susunod na dalawa o tatlong taon.

The post Ipagdasal natin si ‘Kaiju’ appeared first on Abante News Online.

ipagdasal natin si kaiju - Ipagdasal natin si ‘Kaiju’
benchwarmer ferdz delos santos - Ipagdasal natin si ‘Kaiju’

NAKAPAGDESISYON na ang high school basketball prodigy na si Kai Sotto, tinaguriang Kaiju, na habulin ang kanyang NBA dream sa susunod na dalawa o tatlong taon.

Inanunsiyo kahapon, Lunes, Marso 25, ng 7-foot-2 center mula Ateneo high school basketball team na Blue Eaglets sa kanyang Ins­tagram post na magpopokus siya sa full-time training abroad upang mag-improve at matuto pa para sa pa­ngarap na NBA pati na rin aniya makatulong balang-araw sa Batang Gilas at sa Gilas Pilipinas squad.

“Nakapag-decide na po ako at ang pamilya ko. I’ll be leaving soon to start training full-time. I want to devote the next two to three years to single-mindedly focus on my goal of joining the NBA by 2021 and 2022,” kuwento ni Sotto sa mahaba-habang Instagram post niya.
Sa ganang akin, tama ang desisyon ni Kai at ng kanyang pamilya.

Bagama’t maganda rin naman talaga ang basketball program ng Ateneo, hindi naman hamak na mas mapapaganda ang kanyang self-development sa ibang bansa partikular sa Europe kung saan ang mga gaya niyang mga higante ay hindi lamang sa loob o sa paint nag-o-operate kundi mabibilis din at may mga tira sa labas maging sa three-point area.

Ngayon pa lamang ay nagpapasalamat na tayo at sumasaludo kay Kai dahil bukod sa personal niyang pangarap, ikinukunsidera pa rin niya ang maitutulong sa Philippine basketball team sa paglahok sa mga internasyunal na torneo sa hinaharap.

“Pinag-isipan ko po ito nang mabuti. I will train very hard and sacrifice and focus in the next few years so that one day soon, you will be very proud of me. Gagawin ko po lahat ng makakaya ko, with the guidance of my dad and mom, to be the very best that I can be. Para po ito sa future ko, ng pamilya ko, at especially po, para sa Batang Gilas, Gilas Pilipinas, at higit sa lahat, para sa bayan! Sana po all of you will support me and pray for me. I will strive very hard and never let you down,” ayon pa sa 16-anyos.
Mabuhay ka Kai. Buong Pilipinas ang sumusuporta sa iyo.

The post Ipagdasal natin si ‘Kaiju’ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *