IOC, OCA pumagitna sa pasaway na POC

NAGPAYO sina International Olympic Committee (IOC) at National Olympic Committee Relations Director James Macleod at Olympic Council of Asia (OCA) Director General Husain Al-Musallam upang makatayo sa sariling paa ang magulong Philippine Olympic Committee (POC) tapos mapuwersang magbitiw si president Victorico Vargas.

The post IOC, OCA pumagitna sa pasaway na POC appeared first on Abante News Online.

ioc oca pumagitna sa pasaway na poc - IOC, OCA pumagitna sa pasaway na POC
POC - IOC, OCA pumagitna sa pasaway na POC

NAGPAYO sina International Olympic Committee (IOC) at National Olympic Committee Relations Director James Macleod at Olympic Council of Asia (OCA) Director General Husain Al-Musallam upang makatayo sa sariling paa ang magulong Philippine Olympic Committee (POC) tapos mapuwersang magbitiw si president Victorico Vargas.

Dineklara ng dalawang sports official na imbalido ang pagbaba rin sa puwesto ng iba pang POC officials sa extraordinary general assembly nitong Hunyo 25 hanggang walang official resignation letters silang sinusumite, gaya ni Vargas.

‘Di pa rin nagre-resign si POC Chairman Abraham Tolentino, kahit nagdeklara na ng kanyang kandidatura sa pagkapangulo ng POC. Bahagi si Tolentino ng Philippine Southeast Asian Games (Phisgoc) Foundation.

Inatasan din ng IOC ang POC board, na kasalukuyang pinamumunuan ni acting prexy Jose Romasanta na magpatawag ng isa pang extraordinary gene­ral assembly para mag-eleksyon.

Magpapadala ang IOC at OCA ng kinatawan upang masigurado ang kaayusan ng halalan. Pero tatagal ng dalawang buwan bago ito maisakatuparan, at tatlong buwan na lang ang matitira sa bansa na naghahanda sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa darating na Nob. 30-Dis. 11. (Fergus Josue, Jr.)

The post IOC, OCA pumagitna sa pasaway na POC appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *