Injury ni Lillard gagaling agad

WALANG dapat ipangamba ang mga fan ni Damian Lillard at ng Portland Trail Blazers.

injury ni lillard gagaling agad - Injury ni Lillard gagaling agad
abante lilard - Injury ni Lillard gagaling agad

WALANG dapat ipangamba ang mga fan ni Damian Lillard at ng Portland Trail Blazers.

Hindi seryoso ang left foot injury ng tirador na point guard ng koponan.

Kahapon kontra Toronto Raptors ay hindi nakapaglaro si Lillard dahil sumailalim ito sa x-ray.

Wagi ang defending champs Raptors, 110-104.

Pero magandang balita, walang nakitang seryosong problema sa injury nito.

“He did have an x-ray. The x-ray was negative. He just has some inflammation. I don’t expect it to be a long-term deal,” kuwento ni Trail Blazers coach Terry Stotts.

“Hopefully he’ll be able to play our last scrimmage. I think it’s a little bit on the bottom of his foot, but I’m not quite sure about that, but I think it is.” (Ferdz Delos Santos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *