Inialpas ang Bolts vs Dyip: Newsome pa-wow!

Isinalpak ni Chris Newsome ang isang fadeaway buzzer beater jumper sa harapan ni Christian Jaymar ‘CJ’ Perez upang itakas ng Meralco ang 95-93 panalo kontra Terrafirma at maging fifth quarterfinalists sa 45th PBA 2020 Philippine Cup elims bubble sa AUF Sports Arena and Cultural Center sa Angeles, Pampanga Linggo ng hapon.

The post Inialpas ang Bolts vs Dyip: Newsome pa-wow! first appeared on Abante.

inialpas ang bolts vs dyip newsome pa wow - Inialpas ang Bolts vs Dyip: Newsome pa-wow!
abante newsome 1 - Inialpas ang Bolts vs Dyip: Newsome pa-wow!

Mga laro ngayon:
(AUF Sports Arena & Cultural Center)
1:00 pm – Phoenix vs Blackwater
4:00 pm – Alaska vs NLEX
6:45 pm – Terrafirma vs Ginebra

Isinalpak ni Chris Newsome ang isang fadeaway buzzer beater jumper sa harapan ni Christian Jaymar ‘CJ’ Perez upang itakas ng Meralco ang 95-93 panalo kontra Terrafirma at maging fifth quarterfinalists sa 45th PBA 2020 Philippine Cup elims bubble sa AUF Sports Arena and Cultural Center sa Angeles, Pampanga Linggo ng hapon.

Binitiwan ni Newsome ang bola sa natitirang 1.2 segundo ng laban upang basagin ang tabling iskor na 93 para maisalba ang Bolts na kinopo ang ikaanim na panalo sa 10 laro at magkatsansa pa sa final four na may twice-to-beat edge sa playoffs.

Unang sinupalpal si Newsome ni Perez, pero sa ikalawang pagkakataon nabigo ang stalwart ng Dyip na tinanggap ang 1-8 win-loss record at pag-asang makasilat sana tapos makalamang ng lima sa game bago natambakan ng 20.

Namuno sa Bolts si Raymond Almazan sa 15 points at 10 rebounds, may 14 markers si Bong Quinto ,at si Newsome ay naka- 12 pts., 5 boards, at tig-3 assists at steals. May 11 at 10 pts. sina Aaron Black at Bryan Faundo, ayon sa pagkakasunod.

Itinala n Faundo sa kanyang jump shot ang 20 puntos na kalamangan ng Bolts sa 45-25, may 5:14 sa second stanza bago tinapos ng Meralco ang first half sa 51-36 abante.

Nagmaneho ng tig-21 puntos para sa Dyip sina Perez at Juan Miguel Tiongson. May 8 rebs. at 7 assts. pa si Perez na talsik na bago pa ang laro. (Lito Oredo)

The post Inialpas ang Bolts vs Dyip: Newsome pa-wow! first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *