Indy Bell, Bitcoin, iba pa haharurot

DUMATING na ang takdang araw na pinakahihintay ng mga karerista.

The post Indy Bell, Bitcoin, iba pa haharurot first appeared on Abante.

indy bell bitcoin iba pa haharurot - Indy Bell, Bitcoin, iba pa haharurot
karera 1 - Indy Bell, Bitcoin, iba pa haharurot

DUMATING na ang takdang araw na pinakahihintay ng mga karerista.

May 14 na races ang pasisibatin ngayong araw sa Metro Turf sa Malvar, Batangas kaya naman punung-puno ang comment section ng Facebook page ng karera.

Matagal na natengga ang karera, pinahinto ito noong Marso 15 kaya naman maging mga stakes race ay naperwisyo ng coronavirus.

“Ayos at nagkaroon na ng programa, hindi ko na mahintay na tumakbo na ‘yung mga kabayo na naka-lineup,” masayang sabi ni Mang Temyong na taga-Tayuman.

Nakasalang ngayong araw ang mga stake race campaigner tulad nina Patong-Patong, Indy Bell, Heneral Kalentong at Bitcoin.

Tiyak na masisiyahan ang mga karerista dahil siyam pataas ang mga kasali sa isang race.

Samantala, mahigpit na ipatutupad ang health protocol sa loob ng karerahan kung saan walang miron ang makikita sa loob maliban sa horse owner, trainer, helper, jockey, sota pero dapat ay naka face mask, face shield at palaging naghuhugas ng alcohol bilang proteksyon sa COVID-19. (Elech Dawa)

The post Indy Bell, Bitcoin, iba pa haharurot first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *