Indian Warrior banderang tapos sa Condition Race

MULING nasilayan ang tikas ni star jockey Jonathan Hernandez nang ipanalo si Indian Warriors sa Condition Race category 17 nitong Sabado sa Metro Manila Turf Club, Inc. sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

The post Indian Warrior banderang tapos sa Condition Race appeared first on Abante News Online.

indian warrior banderang tapos sa condition race - Indian Warrior banderang tapos sa Condition Race
karera 5 1 - Indian Warrior banderang tapos sa Condition Race

MULING nasilayan ang tikas ni star jockey Jonathan Hernandez nang ipanalo si Indian Warriors sa Condition Race category 17 nitong Sabado sa Metro Manila Turf Club, Inc. sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

Kilalang magaling sa debokang kabayo si former Philippine Sportswriters Association Jockey of the Year Hernandez kaya naman nang hawakan ang bandera sa larga­han ay ‘di na ito binitawan hanggang sa meta.

“Mabilis sa arangkadahan si Indian Warrior kaya noong walang nakasabay ay ipinahinga ko siya para may lakas pa siya sa rektahan,” kuwento ni Hernandez.

May distansyang 1,200 meter race, tinawid ni Indian Warrior ang finish line na dalawang kabayo ang agwat sa nase­gundong Barrio San Jose.

Tumersero si Amalia habang pang-apat na dumating si Big Scoop. 

Nangibabaw naman sa Three-Year-Old Group Race Ca­tegory 7 si Shanghai Grey na pinasibat sa Race 2. (Elech Dawa)

The post Indian Warrior banderang tapos sa Condition Race appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *