IM Quizon, 8 pa sumulong sa Bangkok East Asia U-16

Gold medal kinuwintas ni Claros

TUMUTULAK na ng piyesa si rising star International Master Daniel Quizon sa 4th Eastern Asia Youth Chess Championships Under-16 sa Asia Hotel, Bangkok, Thailand na nagbukas nitong Agosto 1 at ttagal hanggang August 10.

im quizon 8 pa sumulong sa bangkok east asia u 16 - IM Quizon, 8 pa sumulong sa Bangkok East Asia U-16
chess 7 - IM Quizon, 8 pa sumulong sa Bangkok East Asia U-16

TUMUTULAK na ng piyesa si rising star International Master Daniel Quizon sa 4th Eastern Asia Youth Chess Championships Under-16 sa Asia Hotel, Bangkok, Thailand na nagbukas nitong Agosto 1 at ttagal hanggang August 10.

Kasama ni Quizon sina FIDE Master Alekhin­e Nouri, Jerome Angelo Aragones, at Clyde Harris Saraos upang makipagtagisan ng isip laban sa 21 pang woodpushers na kasali.

Top seed si Quizon na may ELO rating na 2368, pero inaasa­hang mapapalaban siya ng todo dahil kalahok ang tigasing sina No. seed FM Tobing Daniel Hermawan Lumban ng Indonesia (ELO 2175) ng Indonesia at Zhang Yifan ng Chine, (2092).

Kasali rin si Woman FM Jia Allaney Doroy sa Under-16 at 18.

Ang ibang Pinays na sasalang sa nasabing kategorya ay sina NWM Francois Marie Magpily, Ruth Joy Vinuya, Ma. Elayza Villa at Elah Sarelle Perez. (Elech Dawa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *