Ildefonso sinubasta shoes, jersey

Pinasubasta ni University Athletic Association of the Philippines (UAAP) star Shaun Ildefonso ang kanyang game-worn team jersey at shoes upang makatulong sa mga nasalanta ng bagyo partikular ni `Ulysses.’

The post Ildefonso sinubasta shoes, jersey first appeared on Abante.

ildefonso sinubasta shoes jersey - Ildefonso sinubasta shoes, jersey
Ildefonso - Ildefonso sinubasta shoes, jersey

Pinasubasta ni University Athletic Association of the Philippines (UAAP) star Shaun Ildefonso ang kanyang game-worn team jersey at shoes upang makatulong sa mga nasalanta ng bagyo partikular ni `Ulysses.’

Sa kanyang official IG account nitong Linggo, makikitang inalay niya ang dalawang jersey, na eksklusibo niyang ginamit sa UAAP season para sa National University Bulldogs at dalawang custom made na sapatos.

Ang starting bid ng jersey ay P3K, habang ang sapatos na kasali rin sa auction items ay P4K. Tiniyak niya na ang kabuuang kikitain ay ipapadala niya sa mga biktima ng bagyo.

“100% wil go to Typhoon victims,” paniguro ng ikalawang henerasyong basketbolista sa publiko. (Aivan Denzel Episcope)

The post Ildefonso sinubasta shoes, jersey first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *