Ildefonso, Oftana isasahog sa Gilas

NADAGDAGAN ang sandata.

The post Ildefonso, Oftana isasahog sa Gilas first appeared on Abante.

ildefonso oftana isasahog sa gilas - Ildefonso, Oftana isasahog sa Gilas
Gilas - Ildefonso, Oftana isasahog sa Gilas

NADAGDAGAN ang sandata.

Inaasahang opisyal na ihahayag ng Samahang basketbol ng Pilipinas (SBP) sa mga susunod na araw ang karagdagang maglalaro sa Gilas Pilipinas na sina University Athletic Association of the Philippines (UAAP) star Sean Dave Ildefonso at National Collegiate Athletic Association (NCAA) star Calvin Oftana.

Sa social media account ng dalawa Linggo, kitang nakapag-uwi sila o mistulang namakyaw ng mga ‘basketball kicks’ mula sa shoe store ni Alaska Milk coach Jeffrey Cariaso na Titan.

“Bubble ready,” caption ni Ildefonso, 20, naglaro na rin sa Batang Gilas at lumipat sa Ateneo Blue Eagles mula sa National University Bulldogs. 95th NCAA MVP si Oftana buhat sa San Beda Red Lions.

Kinunsidera ng SBP na mag-Gilas o national men’s basketball team ang dalawang collegiate standout dahil sa walang makuha sa Philippine Basketball Association (PBA) nan aka-Clark bubble para sa 2020 Philippine Cup.

Sa buwang ito na rin magpapatuloy ang FIBA Asia Cup qualifiers sa Manama, Bahrain. (Aivan DenzelEpiscope)

The post Ildefonso, Oftana isasahog sa Gilas first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *