Iguodala, Kanter aayuda sa tropa

Mas madali ang dinaanan ng Miami Heat patungo sa Eastern Conference finals, winalis ang Indiana bago dinispatsa ang NBA-best Milwaukee sa limang laro.

The post Iguodala, Kanter aayuda sa tropa first appeared on Abante.

iguodala kanter aayuda sa tropa - Iguodala, Kanter aayuda sa tropa
tonite iggt ernes - Iguodala, Kanter aayuda sa tropa

Mas madali ang dinaanan ng Miami Heat patungo sa Eastern Conference finals, winalis ang Indiana bago dinispatsa ang NBA-best Milwaukee sa limang laro.

Sweep din ang first round ng Boston kontra Philadelphia, pero nasagad sa pitong laro bago sinipa ang Toronto nitong Linggo.

Battle-tested ang Celtics laban sa defending champion Raptors, pero napiga naman.

Maglalaglagan ang Boston at Miami taya ang isang ticket sa NBA Finals.

Siklab ang best-of-seven ngayong araw.

Tao sa tao, sukatan ng lakas ang bakbakan.

Starting lineup ng Celtics sina Kemba Walker, Marcus Smart, Jaylen Brown, Jayson Tatum at Daniel Theis.

Sa Heat sina Jimmy Butler, Jae Crowder, Bam Adebayo, Goran Dragic at Duncan Robinson.

Kung titignan, mas malalim ang Miami dahil sa kontribusyon nina Andre Iguodala, Tyler Herro at Kelly Olynyk.

Pero may Enes Kanter, Robert Williams at Grant Williams din ang Boston.

Si Herro ang tipo ng rookie na walang daga sa dibdib. Wag lang siyang maiwang bukas sa perimeter, hindi siya nahihiyang bumitaw. Ilang clutch baskets na rin ang nakalista sa ilalim ng pangalan ni Tyler na nagligtas sa Heat. (Vladi Eduarte)

The post Iguodala, Kanter aayuda sa tropa first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *