Hyper si Super Sonic

WALANG hirap na kinadena ni Super Sonic ang pang-14 sunod na panalo matapos angkinin ang Group Race Merged (9-10) sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

hyper si super sonic - Hyper si Super Sonic
ABANTE marho horse - Hyper si Super Sonic

WALANG hirap na kinadena ni Super Sonic ang pang-14 sunod na panalo matapos angkinin ang Group Race Merged (9-10) sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Halos nagtrangko lang si Super Sonic at hinete nitong si former Philippine Sportswriters association (PSA) Jockey of the year awardee Jessie B. Guce dahil simula pa lang ng karera ay wala nang nakadikit sa kanila.

Sinunggaban ni Super Sonic ang bandera paglabas ng aparato, hinawakan ang apat na kabayong agwat sa backstretch habang nagkukumahog sa kahahabol sina Sizzling Hot at Tontoneeto.

Bahagyang dumikit sina Sizzling Hot at Tontoneeto sa far turn, subalit muling umigkas papalayo ang winning horse at nakalamang ng tatlong kabayo sa rektahan.

“Sobra galing ni Super Sonic kahit hindi gaanong impresibo ang kanyang itinalang oras alam kong nakatago pa ang tunay niyang pruweba,” masayang kuwento ni Pablito Legaspi, tumama ng last double.

Isinumete ni Super Sonic ang oras na 1:29.4 minuto sa 1,400-meter race, segundo si Sizzling Hot habang tersero si El Mundo. (Elech Dawa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *