Huang, Uste ginarote ang UE

BALIK sa panalo ang University of Sto. Tomas (UST) Growling Tigers, pinangunahan ni Zach Huang sa pananambak sa University of the East (UE) Red Warriors 101-73 Miyerkoles sa second game ng UAAP Season 82 men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum.

huang uste ginarote ang ue - Huang, Uste ginarote ang UE
zach huang - Huang, Uste ginarote ang UE

BALIK sa panalo ang University of Sto. Tomas (UST) Growling Tigers, pinangunahan ni Zach Huang sa pananambak sa University of the East (UE) Red Warriors 101-73 Miyerkoles sa second game ng UAAP Season 82 men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Ito rin ang most points para sa UAAP Season 82 at most scored sa ilalim ng pamumuno ni UST head coach Aldin Ayo, ayon kay UAAP statistician Pong Ducanes.

Sanib-pwersa sa opensa ng UST si Soulemane Chabi Yo na may 22 points, 14 rebounds, dalawang assists at tig-isang steal at block at si Huang na nagtala ng career-high 22 points, limang rebounds at isang assist.

Angat ang Espana-based squad sa 5-4 record habang laglag sa 3-6 kartada ang Red Warriors.

Kontrolado ng Growling Tigers ang buong laban kung saan napalobo pa sa 34 points ang kalamangan.

“One of the fact siguro kaya naging ganun ‘yung naging laro kasi we were able to release the pressure. Yung past games namin grabe ‘yung mga pressure sa mga bata. And I told them na kung paano tayo nag-start noong season, nung first game against UE dapat ganun ‘yung approach,” pahayag ni Ayo.

Sa ikalawang laro, kumayod si Dave Ildefonso at nilapa ng National University (NU) Bulldogs ang Far Eastern University (FEU) Tamaraws sa overtime 85-79.

Humarabas si Dave ng 27 points, 11 rebounds, dalawang assists at isang steal para ipagkaloob sa NU ang ikalawang panalo sa siyam na laro.

Tinalo rin ng Sampaloc-based squad ang FEU sa first round, 61-39.

Sa third game, patuloy ang pananalasa nina Thirdy Ravena at Ateneo de Manila University (ADMU) Blue Eagles snang itumba ang Adamson University, 80-74.

Humataw si Ravena ng season-high 23 points, limang assists, apat na rebounds at isang steal.

Malinis na 9-0 ang marka ng Blue Eagles habang lugmok sa 3-6 ang Soaring Falcons. (Janiel Abby Toralba)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *