Howell, Phoenix hirit sa quarters

Howell, Phoenix hirit sa quarters

SADSAD sa pangalawang sunod ang Phoenix, huli sa San Miguel Beer 128-108 noong Miyerkoles at natengga sa seventh-eighth ng PBA Commissioner’s Cup kabuhol ang Alaska sa 4-6.

The post Howell, Phoenix hirit sa quarters appeared first on Abante News Online.

howell phoenix hirit sa quarters - Howell, Phoenix hirit sa quarters
howell - Howell, Phoenix hirit sa quarters

Mga laro ngayon: (Cuneta Astrodome)
4:30pm — Phoenix vs. NLEX
7:00pm — Meralco vs. NorthPort

SADSAD sa pangalawang sunod ang Phoenix, huli sa San Miguel Beer 128-108 noong Miyerkoles at natengga sa seventh-eighth ng PBA Commissioner’s Cup kabuhol ang Alaska sa 4-6.

Namemeligrong mapagsarhan ang Fuel Masters sa quarterfinals pagkatapos ng 11-game eliminations, pero positibo si coach Louie Alas sa tsansa ng team. Top 8 lang ang aabante.

“Slim chance, but we still have a chance,” ani Alas. “At nasa kamay namin, ‘di namin kailangang umasa sa iba.”

Una, kailangan nilang talunin ang cellar-dwel­ling NLEX sa first game mamaya sa Cuneta Astrodome. Dalawa lang sa 10 laro ang naipanalo ng Road Warriors, out na sa next round at mambubulilyaso na lang.

Kapag nanalo ay may pag-asa ang Phoenix na tumabla sa last slot sa quarters, puwede pang makasiguro ng usad kapag hindi umabot sa 5 wins ang Aces, Meralco (3-6) at San Miguel (4-5). Kung masisilat, malalaglag ang Fuel Masters.

Markado na ni Alas ang mga dapat gawin: “We need to help one another, share the basketball, rebound the way we used to and lessen our errors.”

Pero wala sa siyento-por-siyentong kondisyon si Richard Howell. Nabugbog ang kanang tuhod ng import sa kaagahan ng third quarter kontra Beermen at nalimitahan sa 15 points, 14 rebounds at 4 assists sa loob lang ng 28 minutes. (Vladi Eduarte)

The post Howell, Phoenix hirit sa quarters appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *