Ho ka-volleyball aso

Kakaibang bonding time sa aso ang niladlad ni dating Philippine SuperLiga (PSL) star Gretchen Ho nang idamay ang alaga sa pagba-volleyball.

The post Ho ka-volleyball aso first appeared on Abante.

ho ka volleyball aso - Ho ka-volleyball aso
15 2 - Ho ka-volleyball aso

Kakaibang bonding time sa aso ang niladlad ni dating Philippine SuperLiga (PSL) star Gretchen Ho nang idamay ang alaga sa pagba-volleyball.

Sa Instagram story nitong Sabado ng former Petron Blaze Spikers middle blocker/open spiker, pinasilip ng 30-anyos, 5-6 ang taas at tubong Maynnla, ang pakikipagtagisan ng pet niyang may lahing corgi.

Manang-mana ang alaga sa dalaga na labis na ikinatuwa ng mga balibolista.

“I love how @javachipthecorgi reacts to volleyball hihihi,” bulalas ng TV personality sa nasabing video.

Hindi na full-time volleyball player si Ho nang pasukin ang mundo ng hosting.

Pero hindi na mabubura ang pangalan niya sa nasabing larangan dahil isa siya sa nagbigay ng korona sa Petron sa 2014 Grand Prix at nilaruan niya noong 2013-15. (Aivan Denzel Episcope)

The post Ho ka-volleyball aso first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *