Hiya kay Bro. Eddie: Vice Ganda pigil landi sa A2Z

Marami ang nakapansin na parang hindi masyadong magaslaw, o hindi maharot, hindi malandi si Vice Ganda sa unang araw ng pagsasaere ng It’s Showtime sa A2Z Channel 11, na pag-aari ni Bro. Eddie Villanueva?

The post Hiya kay Bro. Eddie: Vice Ganda pigil landi sa A2Z first appeared on Abante.

hiya kay bro eddie vice ganda pigil landi sa a2z - Hiya kay Bro. Eddie: Vice Ganda pigil landi sa A2Z
bro and vice - Hiya kay Bro. Eddie: Vice Ganda pigil landi sa A2Z

Marami ang nakapansin na parang hindi masyadong magaslaw, o hindi maharot, hindi malandi si Vice Ganda sa unang araw ng pagsasaere ng It’s Showtime sa A2Z Channel 11, na pag-aari ni Bro. Eddie Villanueva?

Ramdam nga raw na pigil na pigil si Vice sa mga joke, harot, na gusto niyang pakawalan. Di ba nga, mahilig si Vice na magbitaw ng mga linya na may double meaning?

Well, sa unang araw nga raw nito noong Sabado sa A2Z ay kinontrol `yon ni Vice. Ang hinala, suspeta ng iba, ang dahilan daw kasi, nanonood noong mga oras na `yon si Bro. Eddie.

Well, alam naman natin si Bro. Eddie ay pinuno ng isang religious organization. At kahit pa siguro hindi sabihan si Vice na bawal ito, o bawal yan, siya mismo ay mangingiming maglandi, lalo na at kababalik pa lang nila sa free TV.

“Better days are here. Madlang people our better days are here. Thank God it’s Zoe. Sat lahat ng madlang people mula A to Z, sa lahat ng mga bansa na may Pilipino, we are here, we are happy, we are family. Umiikot lang ang mundo. Hindi puwedeng lagi tayong malungkot. Masaya tayo na kapiling kayo ulit,” mensahe ni Vice. (Dondon Sermino)

The post Hiya kay Bro. Eddie: Vice Ganda pigil landi sa A2Z first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *