Hiwalayan kay Cone masakit kay Yap

ISA sa pinakamahirap na sandal ng PBA career ni two-time MVP James Yap nang maghiwalay sila ng dating coach sa B-Meg Llamados na si Tim Cone taong 2015.

The post Hiwalayan kay Cone masakit kay Yap first appeared on Abante.

hiwalayan kay cone masakit kay yap - Hiwalayan kay Cone masakit kay Yap
abante james yap time cone - Hiwalayan kay Cone masakit kay Yap

ISA sa pinakamahirap na sandal ng PBA career ni two-time MVP James Yap nang maghiwalay sila ng dating coach sa B-Meg Llamados na si Tim Cone taong 2015.

“Sobrang laking impact nun dahil ang ganda na ng takbo ng team,” pag-amin ng PBA star sa panayam ng ‘ The Link Podcast’ ni veteran sportswriter Rey Joble.

“Siyempre hindi naman natin maiiwasan, kumbaga masasabi ko basketball ito. As a player, as a coach, hindi mo alam kung saan ka mapupunta.”

Sa halos anim na taon kasi nilang pagsasama ay nakakubra ng anim na kampeonato sina Yap at Cone kaya mabigat sa player nang lumipat ang coach sa Ginebra.

“Yung impact na ‘yun, masakit pero siyempre as a player dapat nakakaintindi ka,” paliwanag pa ni Yap, na naglalaro na ngayon para sa Rain or Shine.

“Siguro kung rookie ka pa lang nun, hindi mo maiintindihan kung anong nangyayari. Pero once na beterano ka na, maiintindihan mo kung bakit.”

“Pero kung may tsansa, kung bibigyan ako ng voice na magsabi na ano, or kung may power ako, sasabihin ko mag-stay ka na lang coach,” panapos nito. (Aivan Episcope)

The post Hiwalayan kay Cone masakit kay Yap first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *