Hitting Spree babantayan sa PHILRACOM 4YO race

UMAATIKABONG bakbakan ang masisilayan paglarga ng 2019 PHILRACOM “Four-Year-Old & Above Stakes Race” sa darating na Linggo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

The post Hitting Spree babantayan sa PHILRACOM 4YO race appeared first on Abante News Online.

hitting spree babantayan sa philracom 4yo race - Hitting Spree babantayan sa PHILRACOM 4YO race
race 8 - Hitting Spree babantayan sa PHILRACOM 4YO race

UMAATIKABONG bakbakan ang masisilayan paglarga ng 2019 PHILRACOM “Four-Year-Old & Above Stakes Race” sa darating na Linggo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Anim na matitikas na kabayo ang mag-uunahan sa meta para paglabanan ang P300,000 premyo sa event na may distansiyang 1,700 meters.

Ang mga kalahok sa nasabing karera na inisponsoran ng Philippine Racing Commission ay sina Certain To Win, Critical Moment, Eugene Onegin, Hitting Spree, Tap Dance at Viva Morena.

Base sa mga napagtanu­ngan ng Abante na mga karerista, sina Hitting Spree at Viva Morena ang may mara­ming suporta subalit marami rin ang nagsabing balikatan ang labanan kaya mahirap pumili sa anim na nakalahok.

“Isasama ko si Hitting Spree sa winner take all ko, magaling na eh mahusay pa ang hinete. Pero mahirap makapuntos diyan kahit tatlo ang kunin mo, lahat kasi malaki ang tsansang manalo,” paliwanag ni Gino Garcia, may 25 taon nang nangangarera.

Hahamigin ang owner ng second placer ng P112,500, iuuwi naman ng tersero ang P62,500 habang may P25,000 ang kakalawitin ng fourth.

Tatanggap din ng P15,000 ang breeder ng winning local horse. (Elech Dawa)

The post Hitting Spree babantayan sa PHILRACOM 4YO race appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *