High-tech camera swak sa Olympics

GAGAMIT ang bansang Japan ng camera na may nakalagay na facial recognition software sa susunod na taon na Olympics at Paralympic Games sa Tokyo para labanan ang pagkalat ng COVID-19.

The post High-tech camera swak sa Olympics first appeared on Abante.

high tech camera swak sa olympics - High-tech camera swak sa Olympics
Olympics - High-tech camera swak sa Olympics

GAGAMIT ang bansang Japan ng camera na may nakalagay na facial recognition software sa susunod na taon na Olympics at Paralympic Games sa Tokyo para labanan ang pagkalat ng COVID-19.

Ipinaliwanag ng Japanese government na kanilang gagamiting bilang parte ng COVID-19 countermeasures ang sistema sa mismong Olympic Games, na nausog ng isang taon dahil sa coronavirus pandemic.

Umaasa ang organizers na ang mga security camera ay maire-record ang mga mukha at body surfaces ng mga manonood sa Olympic venues, pati na rin sa pag-check sa body temperature at kung may suot na masks at shield.

Hangad din ng gobyerno ang paglalagay ng mga camera sa entrance ng Athletes’ Village at training centers para mai-log kung ilang beses ang mga pumapasok at mamonitor ang mga galaw ng iba’t ibang tao.

Patuloy pa rin ang pag-aaral ng Coronavirus Counter Measures Task Force sa mga posibleng senaryo sa Olympics na tatakbo Hulyo 23 hangang Agosto 8 at ang Paralympics na itinakdang isagawa sa Agosto 24 hanggang Setyembre 5. (Lito Oredo)

The post High-tech camera swak sa Olympics first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *