Hidilyn tiis sa training

Walang inaatrasan sa training si 2016 Rio Olympics silver medalist at weightlifting star Hidilyn Diaz upang makasampa sa gaganaping Tokyo Olympics ngayong taon.

The post Hidilyn tiis sa training first appeared on Abante.

hidilyn tiis sa training - Hidilyn tiis sa training
abante diaz 5 - Hidilyn tiis sa training

Walang inaatrasan sa training si 2016 Rio Olympics silver medalist at weightlifting star Hidilyn Diaz upang makasampa sa gaganaping Tokyo Olympics ngayong taon.

Puspusan pa rin sa pagpapakondisyon ang 2018 Asian Games gold medalist na kasalukuyang nasa Malacca City sa Malaysia.

Sa kanyang ipinost na Instagram video, ipinakita ni Diaz ang kanyang pina-practice na snatch hang (below the knee).

“I might not like the Snatch Hang (Below The Knee) programmed by Coach @imjulius but this is one of my weaknesses that I need to address towards Olympics. I don’t like snatch hang (BTK) because I feel like it take too long to execute the snatch,” sey ng 29-year-old weightlifter.

Punto pa ng 2019 Southeast Asian Games gold medalist, “there are things that we don’t want to do but if we want to improve or see some progress, we need to address and change the way we usually do.”

Sa kasalukuyan, apat na atletang Pinoy pa lang ang pasok sa Tokyo Olympics tampok sina pole vaulter EJ Obiena, gymnast Carlos Yulo at boxers Eumir Marcial at Irish Magno. (JAToralba)

The post Hidilyn tiis sa training first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *