Hidilyn malapit nang mabuwang

HALOS nakatitiyak na si Hidilyn Diaz na makakalahok sa 2020 Tokyo Olympics na naurong sa susunod na taon.

hidilyn malapit nang mabuwang - Hidilyn malapit nang mabuwang
abante diaz - Hidilyn malapit nang mabuwang

HALOS nakatitiyak na si Hidilyn Diaz na makakalahok sa 2020 Tokyo Olympics na naurong sa susunod na taon.

“Isang competition na lang ang kailangan ko. Kailangan ko na lang maglaro lang, maglaro ng Olympic qualifying (event),” kwento ni Diaz sa One PH show na ‘Sports Page’.

“Pero kailangan ko pa rin talaga mag-training at pag-igihan ang training kasi siyempre I’m not doing this lang para lang mag-qualify for Olympics. Gusto kong manalo talaga for the Philippines. At also I want give more inspiration sa mga kababayan natin.”

Hindi rin rason para sa 29-year-old weighlifter ang pandemya upang huminto sa pag-eensayo.

“Buti na lang din nandito yung mga coach ko kung hindi maggi-give up talaga ako. Kasi talagang nakaka-loka,” wika ni Zamboanga-native Diaz na nagwagi ng gintong medalya sa Asian Games 2018 at silver medal sa 2016 Rio Olympics.

“Nakaka-loka kasi kasi siyempre andito ako sa Malaysia tapos kung ako lang mag-isa hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko. Training-wise, next plans, baka mag-give up ako. So, thankful ako sa Team HD,” sambit pa ni Diaz. (JAT)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *