Hidilyn lumipat ng training camp

ISANG hakbang na lang at pormal na masisilo ni Pinay top weighltifter Hidilyn Diaz ang ticket para sa 2020 Tokyo Olympics na nausog sa susunod na taon.

The post Hidilyn lumipat ng training camp first appeared on Abante.

hidilyn lumipat ng training camp - Hidilyn lumipat ng training camp
hidi - Hidilyn lumipat ng training camp

ISANG hakbang na lang at pormal na masisilo ni Pinay top weighltifter Hidilyn Diaz ang ticket para sa 2020 Tokyo Olympics na nausog sa susunod na taon.

Kaya kahit anong aberya na magsasalto sa kanyang training y hindi ito matitigil.

Humigpit ang lockdown sa Kuala Lumpur, Malaysia kung saan siya nag-eensayo, kaya lumipat ng training camp si 2016 Olympic Games silver medalist Diaz sa Malacca.

Matindi pa rin ang pamiminsala ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic kaya pinalwig ng Kuala Lumpur ang lockdown.

“Iyong routine ganoon pa rin. So far so good ‘yung training, ang ganda ng numbers ko before lockdown, nakukuha ko na ‘yung personal record ko,” hayag ni Diaz.

Nakapuwesto si 29-year-old Diaz sa No. 5 sa women’s 55-kilogram division ng Olympic ranking, isang qualifying tournament na lamang ang kailangan at swak na siya sa Olympics sa susunod na taon.

Ang ibang Pinoy na may slot n sa nasabing quadrenial meet ay sina pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno. (Elech Dawa)

The post Hidilyn lumipat ng training camp first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *