Herro bayani ng Miami

PUMUTOK ng career-high 37 points si Tyler Herro para pangunahan ang Miami sa manipis na 112-109 panalo kontra Boston Miyerkoles ng gabi.

The post Herro bayani ng Miami first appeared on Abante.

herro bayani ng miami - Herro bayani ng Miami
abante tyler herro - Herro bayani ng Miami

PUMUTOK ng career-high 37 points si Tyler Herro para pangunahan ang Miami sa manipis na 112-109 panalo kontra Boston Miyerkoles ng gabi.

Abante sa East finals series ang Heat sa 3-1, kapag kinubra muli ang panalo sa Game 5 bukas ay babalik sa NBA Finals sa unang pagkakataon makalipas ang anim na season.

Si Herro na ang nakapaglista ng most points sa isang playoff win bago ang 21st birthday pagkatapos ni Lakers great Magic Johnson na nagpasabog ng 42 kontra Sixers noong 1980.

Bumakas ng 24 points at 9 rebounds si Jimmy Butler, may 22 si Goran Dragic at 20 points, 12 rebounds kay Bam Adebayo.

Pagkatapos ng laro ay binalot ng ice ni Adebayo ang bruised wrist.

Walang gustong magpaiwan, abante lang ang Miami 50-44 sa halftime bago idinikit ng Celtics sa 77-76 papasok ng final frame.

Hindi nahiyang tumira ni rookie guard Tyler na 14 of 21 mula sa field at 5 for 10 sa 3-point range. May sahog pa siyang 6 rebounds at 3 assists.

“That’s just who I am,” ani Tyler, via Bleacher Report. “I grew up like that and I’m gonna stay like that for as long as I’m in the league.”

Binitbit ng 28 points, 9 rebounds at 4 assists ni Jayson Tatum ang Boston.

Umayuda ng 21 points at 9 boards si Jaylen Brown, may 20 markers pa si Kemba Walker. (VE)

The post Herro bayani ng Miami first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *