Herro bagong bad boy ng NBA

WALANG takot na nakipagsabayan si Tyler Herro sa mga beterano sa kanyang rookie season sa NBA.

The post Herro bagong bad boy ng NBA first appeared on Abante.

herro bagong bad boy ng nba - Herro bagong bad boy ng NBA
herro - Herro bagong bad boy ng NBA

WALANG takot na nakipagsabayan si Tyler Herro sa mga beterano sa kanyang rookie season sa NBA.

Rebelasyon sa Miami si Herro bago hanggang sa Orlando bubble.

Mas lumabas ang tibay niya sa Finals, pagkatapos ni Jimmy Butler ay si Herro na ang best scorer ng Heat.

Pinakita ‘yun ng 20-year-old sa Game 3 nang ibaon ang dagger 3 para ilapit ang Miami 2-1 sa series kontra Lakers.

Pagkatapos ng pamatay na tira, nahagip ng camera ang angas ni Herro, seryoso ang mukha at nakatikwas ang gilid ng nguso na parang sinasabi: “May angal?”

Naging iconic ang kuha niyang ‘yun. Nag-viral, siya ang naging bagong bad boy.

Immortalized ang smirk face niyang ‘yun, itinatak sa T-shirt.

Kelan lang, nakunan si Herro habang nagwo-workout suot ang shirt na inimprentahan ng kanyang smirk face.

Nag-average si Hero ng 16.0 points sa 21 games sa playoffs. (VE)

The post Herro bagong bad boy ng NBA first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *