Heneral Kalentong bumira sa panahon ng pandemya

NABAHALA ang mga horse owner at trainer nang magsimulang isailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Pilipinas dahilan para matigili ang operasyon sa karerahan.

The post Heneral Kalentong bumira sa panahon ng pandemya first appeared on Abante.

heneral kalentong bumira sa panahon ng pandemya - Heneral Kalentong bumira sa panahon ng pandemya
karera ng kabayo 1 - Heneral Kalentong bumira sa panahon ng pandemya

NABAHALA ang mga horse owner at trainer nang magsimulang isailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Pilipinas dahilan para matigili ang operasyon sa karerahan.

Marso nang ipatigil ang karera, unang nasalto na stakes race ay ang Triple Crown, lumipas ang apat na buwan ay naalarma na ang tatlong karerahan na Metro Turf, San Lazaro at Philippine Racing Club pati mga horse owner, trainer at jockey.

Maraming stakes race ang hindi nailarga dahil sa pamiminsala ng coronavirus (COVID-19).

Pero nagbunga ang pagtitiis ng mga karerista, Setyembre nang magbukas ang karerahan at agad na inilarga ang first leg Triple Crown.

Halos nasa kukote na ng mga karerista na walang magiging kampeon ngayong 2020 sa Triple Crown at Presidential Gold Cup.

Nakaraan buwan lamang ay inukit ang pangalan ni Heneral Kalentong sa kasaysayan ng karera na nakawalis sa tatlong legs ng Triple Crown series.

Noong Linggo ay si Pangalusian Island naman ang huling kabayong nanalo ng stakes race para sa taong 2020.

Ipinakita ni Pangalusian Island ang husay nito sa rematehan upang talunin ang top favorite na Super Suwerte at angkinin ang korona ng Presidential Gold Cup.

Hanggang ngayon ay pahirap pa rin ang COVID-19 pero matatag sa pagsubok ang mga karerista basta may makita o mapanood na karera kahit tuwing Sabado at Linggo lamang. (Elech Dawa)

The post Heneral Kalentong bumira sa panahon ng pandemya first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *