Heat vs Lakers papailanlang : Butler ready kay LeBron

Hindi puwedeng ismolin ang Miami Heat ngayong nasa NBA Finals sa unang pagkakataon sapul noong 2014.

The post Heat vs Lakers papailanlang : Butler ready kay LeBron first appeared on Abante.

heat vs lakers papailanlang butler ready kay lebron - Heat vs Lakers papailanlang : Butler ready kay LeBron
tonite lebron 1 - Heat vs Lakers papailanlang : Butler ready kay LeBron

Hindi puwedeng ismolin ang Miami Heat ngayong nasa NBA Finals sa unang pagkakataon sapul noong 2014.

Pero para madagdagan ang tatlong titulo, kailangan nilang dumaan kay LeBron James – ang player na kasama sa huling dalawang titulo, at sa huling tangka sa pangatlo sana.

Nasa Los Angeles na si James, may mga sidekick pang Anthony Davis at support cast tulad nina Danny Green, Kyle Kuzma, Alex Caruso at ang beteranong sina Rajon Rondo at Dwight Howard.

Jimmy Butler, Bam Adebayo, Goran Dragic, Jae Crowder, rookie Tyler Herro at championship veteran Andre Iguodala ang panagupa ng Heat.

“The main key – and it’s been like this for a very long time – if you want to win, you’re going to have to go through a LeBron James-led team,” giit ni Butler matapos sipain ng Miami ang Boston sa anim na laro sa East finals.

Nasa unang NBA Finals niya si Butler.

Si LeBron, naka-10 na at tatlo rito ay nagresulta sa ring. Mabigat na kalaban.

“You’re going to get the same test over and over again until you pass it,” dagdag ni Butler. “That test is LeBron James.”

Unang pagsubok ngayong Huwebes, Game 1. (Vladi Eduarte)

The post Heat vs Lakers papailanlang : Butler ready kay LeBron first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *