Heat susubukang tumabla Lakers kayang tibagin – Butler

PUMASOK ng Game 3 si Jimmy Butler na gigil manalo sa NBA Finals.

The post Heat susubukang tumabla Lakers kayang tibagin – Butler first appeared on Abante.

heat susubukang tumabla lakers kayang tibagin butler - Heat susubukang tumabla Lakers kayang tibagin – Butler
Butler - Heat susubukang tumabla Lakers kayang tibagin – Butler

PUMASOK ng Game 3 si Jimmy Butler na gigil manalo sa NBA Finals.

Pagkatapos ng pukpukang 48 minutes, nasa winning-end ang Miami ng 115-104 result na tumapyas sa series lead ng Los Angeles sa 2-1.

Napatunayan ng Heat na kayang talunin ang liyamadong Lakers. Kahit wala sina Bam Adebayo at Goran Dragic dahil sa injuries.

“I think we realized that we belong,” giit ni Butler. “They can be beat as long as we do what we’re supposed to do.”

Kumayod si Butler ng monster game na 40 points, 11 rebounds at 13 assists. Rebelasyon sa Miami si Kelly Olynyk na nakapagsumite ng 17 points, 7 rebounds sa 31 minutes off the bench.

Tatlo pang starters ni coach Erik Spoelstra ang umiskor ng double digits – sina Tyler Herro (17), Duncan Robinson (13) at Jae Crowder (12). Kumalawit pa ng 8 rebounds si Crowder, 5 kay Robinson.

Lumamang ng 13 sa first quarter ang Miami, hanggang 14 sa third. Nagtangkang bumalik ng Lakers sa fourth pero kinapos kahit ang near triple-double ni LeBron James na 25 points, 10 rebounds at 8 assists.

Inaasahan na ni Butler ang balikwas ng gang ni LeBron sa Game 4 ngayon.

“Coming in next game, I know they’re going to be so much better and we’ve got to be able to match that energy,” aniya. (VE)

The post Heat susubukang tumabla Lakers kayang tibagin – Butler first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *