Heat nakadalawa, Dragic walastik

ANIM na tres ang kinana ni Duncan Robinson, double-double naman si Bam Adebayo kaya nakaungos ang Miami Heat sa Boston Celtics, 106-101, sa Game 2 ng 2019-2020 Eastern Conference finals kahapon sa Walt Disney World sa Orlando, Florida.

The post Heat nakadalawa, Dragic walastik first appeared on Abante.

heat nakadalawa dragic walastik - Heat nakadalawa, Dragic walastik
Goran dragic - Heat nakadalawa, Dragic walastik

ANIM na tres ang kinana ni Duncan Robinson, double-double naman si Bam Adebayo kaya nakaungos ang Miami Heat sa Boston Celtics, 106-101, sa Game 2 ng 2019-2020 Eastern Conference finals kahapon sa Walt Disney World sa Orlando, Florida.

Gayunman, ang late game heroics ni Goran dragic ang naging sandigan ng Miami upang makuha ang 2-0 bentahe sa kanilang best-of-seven series.

Tumikada si Robinson ng 18 points, habang nagtala si Adebayo ng 21 puntos at 10 rebounds para sa Heat.

Umahon mula sa 17-point pagkakalubog ang Heat at nakuha nila ang bentahe sa pagtatapos ng third period, 84-77.

Muling naagaw ng Celtics ang abante matapos ang 15-2 run subalit naging matatag sa endgame ang Heat at nakuha nila ang panalo.

Namuno sa opensa para sa Miami si Goran Dragic na tumipa ng 25 puntos habang 14 ang inambag ni Jimmy Butler.

Nilista ni Kemba Walker ang 23 markers at pitong boards para sa Boston na kailangan manalo sa Game 3 bukas upang hindi mabaon sa serye at manatiling may tsansa sa asam na NBA title. (Elech Dawa)

The post Heat nakadalawa, Dragic walastik first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *