Heat inihaw Pelicans:Erik mabangis tuwing Pasko

GUMANA muli ang mahika ni Filipino-American NBA coach Erik Spoelstra tuwing Kapaskuhan.

The post Heat inihaw Pelicans:Erik mabangis tuwing Pasko first appeared on Abante.

heat inihaw pelicanserik mabangis tuwing pasko - Heat inihaw Pelicans:Erik mabangis tuwing Pasko
abante DUCBNAN - Heat inihaw Pelicans:Erik mabangis tuwing Pasko

GUMANA muli ang mahika ni Filipino-American NBA coach Erik Spoelstra tuwing Kapaskuhan.

Umakyat sa 8-0 ang win-loss record ng Miami Heat tactician sa kanyang mga naging laban kapag Pasko, matapos talunin ng kanyang bataan ang New Orleans Pelicans, 111-98.

Ayon kay Spoelstra, hindi niya alam na wala pala siyang talo tuwing holiday season, at nagpapasalamat na magkaroon ng oportunidad para makasalang sa mga Christmas game.

Naging armas para kay Coach Spo ang kanyang sniper na si Duncan Robinson, na nagpakawala ng pitong three-pointer para tumabla sa Christmas Day record ng NBA sa pinakamaraming tres sa laro.

Nagsalpak ng 23 points si Robinson sa naturang laro.

“Last year was a great learning experience. We’re just trying to build on it. The opener was a disappointment. We’re happy to get this one,” ayon kay Robinson, na determinadong masungkit ang kampeonato matapos tumapos na runner-up sa nagdaang bubble season.

Bumakas si Bam Adebayo ngv17 puntos at apat na boards para sa Miami, na kinapos sa 2019-2020 NBA Finals sa eventual champs Los Angeles Lakers sa anim na laban.

Nanguna sa opensa ng Pelicans si sophome power forward Zion Williamson na may franchise Christmas game record na 32 points kasama ang 15 rebounds. (Raymark Patriarca)

The post Heat inihaw Pelicans:Erik mabangis tuwing Pasko first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *