Harden, Westbrook kinuyog ang Lakers

BALIGTAD ang nangyari sa umpisa ng second round series ng Los Angeles at Houston.

The post Harden, Westbrook kinuyog ang Lakers first appeared on Abante.

harden westbrook kinuyog ang lakers - Harden, Westbrook kinuyog ang Lakers
Houston Rockets - Harden, Westbrook kinuyog ang Lakers

BALIGTAD ang nangyari sa umpisa ng second round series ng Los Angeles at Houston.

Halos isang linggo nang nakapahinga ang Lakers, dapat ay nakaipon ng lakas.

Naghahabol pa ng hininga ang Rockets, Miyerkoles lang nang tapusin ang serye nila ng Thunder na nasagad sa pitong laro.

Pagbalik nitong Biyernes, parang kinalawang ang Lakers. Bagong langis naman ang Rockets.

Pumuputok ang gatilyo nina James Harden at Russell Westbrook, naglista ng pinagsamang 60 points para gasolinahan ang Rockets sa 112-97 panalo.

May 9 rebounds at 6 assists pa si Westbrook, namigay ng 5 dimes si Harden. Umayuda ng 23 si Eric Gordon.

Sapaw ang 20 points, 8 rebounds at 7 assists ni LeBron James, at ang 25 points at 14 rebounds ng partner niyang si Anthony Davis sa Lakers.

Susubukan ng LA na mag-regroup sa Game 2 bukas. (VE)

The post Harden, Westbrook kinuyog ang Lakers first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *