Harden, Wall tinibag Spurs

SA unang pagkakataon, naglaro na rin sa preseason si James Harden.

The post Harden, Wall tinibag Spurs first appeared on Abante.

harden wall tinibag spurs - Harden, Wall tinibag Spurs
harden 3 - Harden, Wall tinibag Spurs

SA unang pagkakataon, naglaro na rin sa preseason si James Harden.

Lunes ay nag-ensayo ang scoring champion, kinabukasan ay sumalang nang i-host ng Houston Rockets ang San Antonio Spurs 112-98 sa Toyota Center.

Disenteng 12 points, 3 rebounds at 4 assists ang ambag ni Harden sa loob ng 21 minutes, naroon pa rin ang tibay ng pulso at bilis ng paa.

May 15 points ang bago niyang partner na si John Wall.

Nagsisimula nang mag-workout ang mga kakampi ay wala pa sa Houston si Harden, namataan na nakiki-party sa Las Vegas.

Hindi pa mamatay-matay ang tsismis na kinukulit niya ang Rockets para mai-trade, pero mukhang walang makakatapat sa hinihinging kapalit ng Houston.

Brooklyn Nets ang target daw ni Harden na puntahan, pero open din siya sa ibang contenders.

Hindi pa nakikipag-usap sa media ang The Beard.

Namuno sa Spurs ang 17 points ni guard Lonnie Walker, 18th pick ng San Antonio noong 2018.

May 13 points at 7 assists si Dejounte Murray, 11 points at 8 rebounds kay Rudy Gay. (VE)

The post Harden, Wall tinibag Spurs first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *