Harden sinibak ang Oklahoma

MALAMIG si James Harden pero siya rin ang gumawa ng paraan para sipain ng Houston ang makulit na Oklahoma City.

The post Harden sinibak ang Oklahoma first appeared on Abante.

harden sinibak ang oklahoma - Harden sinibak ang Oklahoma
aabante james harden - Harden sinibak ang Oklahoma

MALAMIG si James Harden pero siya rin ang gumawa ng paraan para sipain ng Houston ang makulit na Oklahoma City.

Buong gabing binulabog ni Lu Dort, sa last play ay niresbakan ni Harden ang rookie para ipreserba ang ga-buhok na 104-102 victory sa deciding game ng kanilang West first-round series nitong Miyerkoles sa Orlando.

Paubos na ang oras at iwan lang ang Thunder 103-102, kisapmatang nalibre sa elbow-3 area si Dort at nang mapunta sa kanya ang bola ay inasinta na ang rim.

Pero mula sa rim, parang nasa runway na tinakbo ni Harden, lumipad at binutata ang tira. Bumalik kay Dort ang bola pero hindi na nakadiskarte sa katiting na 0.5 seconds.

Nag-deliver ng tig-21 points sina Eric Gordon at Robert Covington, at aabante ang Rockets sa second round laban sa naghihintay na si LeBron James at ang Lakers.

Nagbaba pa si Covington ng 10 rebounds.

Nagkasya lang sa 17 points si Harden – mababa na sa kanyang standard – pero namigay ng 9 assists. Pinunan ng 20 points at 9 rebounds ni Russell Westbrook ang off-night ni Harden.

Mainit si Dort, namuno ang 30 points sa OKC. Hindi naitulak ng triple-double na 19 points, 11 rebounds at 12 assists ni Chris Paul sa second round ang Thunder. (VE)

The post Harden sinibak ang Oklahoma first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *