Harden pasaway, multa ng P2.4M

Parang namudmod ng Pamasko si Houston Rockets star James Harden matapos magmulta ng $50,000 (higit P2. 4 milyon) dahil sa paglabag sa NBA health at safety protocol.

The post Harden pasaway, multa ng P2.4M first appeared on Abante.

harden pasaway multa ng p2 4m - Harden pasaway, multa ng P2.4M
harden 4 - Harden pasaway, multa ng P2.4M

Parang namudmod ng Pamasko si Houston Rockets star James Harden matapos magmulta ng $50,000 (higit P2. 4 milyon) dahil sa paglabag sa NBA health at safety protocol.

Inanunsyo ng liga ang nasabing penalty matapos mapanood sa video si Harden na nasa party na walang mask, kumalat na ito sa social media.

Kahit negatibo sa coronavirus, hindi rin makakalaro si Harden sa kanilang unang laro sa 2020-2021 NBA season dahil sa pag-violate ng league protocol, hindi rin natuloy ang laban ng Houston at Oklahoma City Thunder.

Umaasa ang Rockets na makakalaro si Harden sa lahat ng kanilang laban ayon sa report ni Adrian Wojnarowski ng ESPN.

Ihihiwalay si Harden hanggang ngayong araw at kailangan manatiling negatibo sa coronavirus bago payagang makapaglaro.

Laman ng pahayagn si Harden sa mga nagdaang buwan dahil sa pagiging pasaway, nakikitaan siyang pumupunta sa mga party sa Atlanta at Vegas habang nagsisimula na ang Rockets ng kanilang training camp sa Houston.

Pumutok din ang balitang nais ng one-time MVP na ma-trade alinman sa Philadelphia 76ers, Brooklyn Nets, Miami Heat at Milwaukee Bucks.

Sa ngayon ay nag-aabang ang mga fan sa bagong balita ng kanilang iniidolong si Harden. (Elech Dawa)

The post Harden pasaway, multa ng P2.4M first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *