Harden binutata P5B kontrata

HINDI nasilaw sa two-year, $103 million (halos P5 bilyon) contract extension si former MVP James Harden na inalok ng Houston Rockets.

The post Harden binutata P5B kontrata first appeared on Abante.

harden binutata p5b kontrata - Harden binutata P5B kontrata
harden 1 - Harden binutata P5B kontrata

HINDI nasilaw sa two-year, $103 million (halos P5 bilyon) contract extension si former MVP James Harden na inalok ng Houston Rockets.

May natitira pang tatlong taong kontrata sa Rockets na nagkakahalaga ng $133 million si Harden pero tinanggihan ang pagkakataong maging unang NBA player sa kasaysayan na susuweldo ng lampas $50 million kada taon.

Ayon sa report, mas pokus na si Harden na mai-trade sa Brooklyn Nets para bumuo ng ‘Big 3’ kasama si former MVP at two time champion Kevin Durant at Kyrie Irving.

Sa report ni Adrian Wojnarowski ng ESPN, sinabi nitong nasa proseso pa rin ng pag-uusap ang dalawang koponan.

Sakaling matuloy si Harden sa Brooklyn, magiging kapalit nito sina Spencer Dinwiddie at Caris LeVert kasama pa ang isa o dalawang draft pick.

Umugong ang balitang maghihiwalay na ng landas sina Harden at ang Houston matapos ang siyam na taon na pagsasama pero hindi nakarating sa finals. (Ferdz Delos Santos)

The post Harden binutata P5B kontrata first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *