Gymnast Labadan, ginto sa Hungary

HINDI nagpaiwan ang miyembro ng Philippine women’s rhythmic gymnastics team na si Breanna Labadan matapos itong magwagi din ng gintong medalya sa pagsabak sa Santa’s Cup sa Budapest, Hungary.

The post Gymnast Labadan, ginto sa Hungary first appeared on Abante.

gymnast labadan ginto sa hungary - Gymnast Labadan, ginto sa Hungary
bre - Gymnast Labadan, ginto sa Hungary

HINDI nagpaiwan ang miyembro ng Philippine women’s rhythmic gymnastics team na si Breanna Labadan matapos itong magwagi din ng gintong medalya sa pagsabak sa Santa’s Cup sa Budapest, Hungary.

Tuluyang nasungkit ng 13-anyos mula sa Butuan na si Labadan ang inaasam na gintong medalya sa pagwawagi nito sa ball matapos na magkasya lamang sa dalawang pilak sa ribbon at Individual All-Around category.

Si Labadan, na multi-medalist din sa Batang Pinoy (BP) at Philippine National Games (PNG), ay kasama naman ng cancer survivor na si Daniela Reggie Dela Pisa na una nang nagwagi ng dalawang gintong medalya sa torneo.

Nagwagi ang 17-anyos na Southeast Asian Games gold medalist na si Dela Pisa ng ginto sa Hoops at Clubs. (Lito Oredo)

The post Gymnast Labadan, ginto sa Hungary first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *