Guiao sabik sa Gin Kings

AGAD magkakasubukan ang Barangay Ginebra Gin Kings at NLEX Road Warriors sa pinakaunang laro sa balik PBA sa Oktubre 11 sa bubble format sa Angeles University Foundation (AUF) gym sa Pampanga.

The post Guiao sabik sa Gin Kings first appeared on Abante.

guiao sabik sa gin kings - Guiao sabik sa Gin Kings
Guaio - Guiao sabik sa Gin Kings

AGAD magkakasubukan ang Barangay Ginebra Gin Kings at NLEX Road Warriors sa pinakaunang laro sa balik PBA sa Oktubre 11 sa bubble format sa Angeles University Foundation (AUF) gym sa Pampanga.

“It will be a very interesting match,” sabi ni Road Warriors coach Yeng Guiao.

Nakatakda pang ilabas ng PBA ang kumpletong iskedyul apat na araw bago ang pagbabalik sa aksiyon ng liga matapos ang pitong buwan na pahinga dahil sa COVID-19 pandemic.

Kulang pa sa armas ang Gin Kings dahil wala pa sina LA Tenorio at Japeth Aguilar, habang halos nasa kundisyon na ang Road Warriors para sa kanilang unang laro sa All-Filipino Conference.

Si Aguilar ang itinanghal na Finals MVP sa huling kumperensiya, habang sinabi ni Tenorio na nais naman nitong idagdag ang All-Filipino Cup sa mga tropeo ng Gin Kings.

Unang laro ito sa pagitan ng Road Warriors at Gin Kings, na huling tinalo ang Meralco sa 2019 PBA Governors Cup Finals. (Lito Oredo)

The post Guiao sabik sa Gin Kings first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *