Guce petmalu

DALAWANG malalaking karera ang sinikwat ni star jockey Jessie Guce noong Linggo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

The post Guce petmalu first appeared on Abante.

guce petmalu - Guce petmalu
karera 1 - Guce petmalu

DALAWANG malalaking karera ang sinikwat ni star jockey Jessie Guce noong Linggo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Unang kinahon ni former Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey-of-the-Year awardee Guce ang 2020 Philracom 3-Year-Old Locally Bred Stakes Race nang ipanalo nito ang kabayong si Super Shelltex.

Pagkatapos ay si Heneral kalentong naman ang ginabayan sa panalo sa naganap na 2nd Leg Triple Crown.

“Mainam na hinete si JB Guce, tapos magaling pa ‘yung mga kabayo na sinasakyan kaya lamang sa panalo,” hayag ni Vicente Villa, racing aficionado.

Bumirit si Super Shelltex sa rekta para kuninn ng kanyang owner ang P300,000 na premyo, naitala nito ang impresibong 1:50 minuto sa 1,800 meter race.

Nasegundo ang liyamadong si Radio Gaga habang tersero si Bishop Blue sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission. (Elech Dawa)

The post Guce petmalu first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *