Guce kumubra ng P61K, Ardina P51K

Pinalo ni Clariss Guce ang pinakamaayos na laro sa tatlong araw nang maka-three-under 68 pa-210 total, pero sumapat lang sa five-way tie para sa 30th place sa wakas nitong Linggo ng $175K 8th IOA Golf Classic 2020 sa Alaqua Country Club sa Longwood, Florida.

The post Guce kumubra ng P61K, Ardina P51K first appeared on Abante.

guce kumubra ng p61k ardina p51k - Guce kumubra ng P61K, Ardina P51K
guce - Guce kumubra ng P61K, Ardina P51K

Pinalo ni Clariss Guce ang pinakamaayos na laro sa tatlong araw nang maka-three-under 68 pa-210 total, pero sumapat lang sa five-way tie para sa 30th place sa wakas nitong Linggo ng $175K 8th IOA Golf Classic 2020 sa Alaqua Country Club sa Longwood, Florida.

Tumanggap ang 30-year Fil-Am at 2016 two-time Symetra Tour (ST) Tour leg champion ng $1,275 (P61K) sa sixth leg ng 15th ST 2020 na pinaigsi ng Covid-19 – mula sa 23 torneo naging 10 na lang. May 72-70 siya sa first two rounds.

Dinuplika ng isa pang bet ng Pilipinas na si Dottie Ardina ang opening round niyang 70 pa-211 at sumama sa limang magkakabuhol din sa 35th spot na may $1,065 (P51K) each sa 54-hole golfest na pinamayagpagan ni Laura Wearn via playoff laban sa kapwa Amerikanang si Haylee Harford tapos ng identical nilang 203 sa regulations.

Sunod kina Guce at Ardina ang $175K Symetra Classic LPGA International, Jones Course sa Daytona Beach, Florida sa Oktubre 1-4. (Ramil Cruz)

The post Guce kumubra ng P61K, Ardina P51K first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *