Gretchen pinasok ang basketball

Ganito pinatunayan ni dating Philippine SuperLiga (PSL) at Petron Blaze Spikers star volleyball star at outgoing ABS-CBN TV host Gretchen Ho ang target at pagpupursiging mai-shoot ang bola sa isang portable basketball court stand sa kalsada.

gretchen pinasok ang basketball - Gretchen pinasok ang basketball
Gretchen Ho - Gretchen pinasok ang basketball

Pag gusto may paraan!

Ganito pinatunayan ni dating Philippine SuperLiga (PSL) at Petron Blaze Spikers star volleyball star at outgoing ABS-CBN TV host Gretchen Ho ang target at pagpupursiging mai-shoot ang bola sa isang portable basketball court stand sa kalsada.

Sa Instagram story kamakalawa ng 30-anyos na dalaga,, imbes na volleyball ang ihampas ay bola ng basketball ang binibit habang nagsasagawa ng mabilisang shooting.

“If there’s a will, there’s a way,” caption ng Manilenyang balibolista.

Puspos man sa pagiging host at anchor si Gretchen hindi pa rin nawawala ang kanyang dugong atleta.

Nasa batch siya ng Ateneo Lady Eagles na bumitbit ng back-to-back finals appearance sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

Nag-Petron siya mula noong 2013 hanggang 2015. (Aivan Denzel Episcope)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *