Gretchen ‘nangholdap’:Sugatan, nasiko sa tiyan

INGAT sa mga prank!

The post Gretchen ‘nangholdap’:Sugatan, nasiko sa tiyan first appeared on Abante.

gretchen nangholdapsugatan nasiko sa tiyan - Gretchen ‘nangholdap’:Sugatan, nasiko sa tiyan
gretchen 3 - Gretchen ‘nangholdap’:Sugatan, nasiko sa tiyan

INGAT sa mga prank!

Ito ang warning ni athlete/host at former volleybelle Gretchen Ho matapos biruin ng holdap si ABS-CBN reporter Jorge Carino.

Sa social media account ng former Ateneo Lady Eagle star ay sinubukan niyang gulatin si Jorge at nagpanggap itong holdaper nang makita niya ito sa isang mall.

Pero perwisyo ang resulta nito dahil nang ideklara ni Ho ang prank holdup ay bigla siyang siniko sa tiyan ni Jorge, nawalan ng balanse at nasugatan sa kamay.

“Nasugat at nagasgas ako kasi pagkatapos masiko sa tiyan tinukod ko ‘yung kamay ko sa escalator,” kwento ng 30-anyos na balibolista kasama ang litrato ng kanyang kamay na may bahid ng dugo mula sa tinamong sugat.

“BABALA: Huwag gagawin sa war-trained reporter,” dagdag pa nito. (Aivan Episcope)

The post Gretchen ‘nangholdap’:Sugatan, nasiko sa tiyan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *