Greg ‘di kasali sa PBA bubble

SARADO ang pinto para sa anumang posibilidad na makapasok sa isasagawang Philippine Cup bubble ang nagbalik bansa na si 7-foot center Greg Slaughter ng Barangay Ginebra.

The post Greg ‘di kasali sa PBA bubble first appeared on Abante.

greg di kasali sa pba bubble - Greg ‘di kasali sa PBA bubble
abante greg 1 - Greg ‘di kasali sa PBA bubble

SARADO ang pinto para sa anumang posibilidad na makapasok sa isasagawang Philippine Cup bubble ang nagbalik bansa na si 7-foot center Greg Slaughter ng Barangay Ginebra.

Ito ay dahil hindi kasama ang 30-anyos na si Slaughter sa listahan ng 15-man roster ng Barangay Ginebra na una nang isinumite sa PBA Commissioner’s Office sa takdang deadline para sa kumpirmadong roster ng mga player.

Malaking tulong sana ang pagbabalik ni Slaughter sa kampanya ng Gin Kings sa loob ng bubble bagaman hindi pa kumpirmado kung payag na ito sa ibinigay na formal offer ng pamunuan ng Ginebra management para sa contract renewal matapos na mapaso ang huli nitong kontrata.

Sinabi ni Barangay Ginebra coach Tim Cone na alam nito ang biglaang pagbabalik ni Slaughter sa bansa matapos ang mahigit siyam pa buwan na pananatili sa Amerika kung saan inaasahan nito ang posiblidad ituloy ang kanyang paglalaro sa liga. (Lito Oredo)

The post Greg ‘di kasali sa PBA bubble first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *