Green ipapalit kay Love

BABASAGIN na ng Golden State ang trio nina Stephen Curry, Klay Thompson at Draymond Green?

The post Green ipapalit kay Love first appeared on Abante.

green ipapalit kay love - Green ipapalit kay Love
Green x Love - Green ipapalit kay Love

BABASAGIN na ng Golden State ang trio nina Stephen Curry, Klay Thompson at Draymond Green?

Nagkakasa ng three-team trade ang Warriors para makuha si Kevin Love mula Cleveland at ipapamigay si Green sa pangatlong team.

Mahalagang piyesa ang versatile forward/center sa tabi ng Splash Brothers sa tatlong championship ng Golden State noong 2015, 2017 at 2018.

Mula sa Hoop Central:

“According to @LegionHoopsRoss, the Warriors and Cavs have held trade talks on a deal that would send Kevin Love to Golden State. In this scenario, Draymond Green would be dealt to a third team.”

Mas kilala sa depensa ang 6-foot-6 na si Green, five-time All-Defensive player at 2017 Defensive Player of the Year.

Kapag nagkataon, tatlong gunner na ang ipaparada ng Golden State. Big man na lehitimong threat sa labas si Love, ang siste ay halos hindi makabuo ng season dahil lapitin ng injuries.

Mainam na rebounder si Love, nooong nakaraang season ay nag-average ng 9.8 boards bawat laro sahog sa kanyang 17.6 points at 3.2 assists per game.

Pero sandali. Ipapamigay ba ng Golden State si Green? (Vladi Eduarte)

The post Green ipapalit kay Love first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *