Great Style silat kay Ambet Ko To

King Gil tinuka si Oh Neng

NAIWAN sa largahan ang dehadong si Ambet Ko To pero nasikwat pa rin niya ang panalo sa Three-Year-Old Above Maiden Race, Huwebes nang gabi, sa San La­zaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

great style silat kay ambet ko to - Great Style silat kay Ambet Ko To
race 5 - Great Style silat kay Ambet Ko To

NAIWAN sa largahan ang dehadong si Ambet Ko To pero nasikwat pa rin niya ang panalo sa Three-Year-Old Above Maiden Race, Huwebes nang gabi, sa San La­zaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Dahan-dahan lang lumabas ng aparato ang far third choice na si Ambet Ko To, hindi naman siya inapura ni class A rider Christian Garganta at kumuha na lang ito ng tersero paglampas ng backstretch.

“Natural na takbo lang medyo higpit ng konti sa renda tutal naglulutsahan naman sina Great Style at Arroblade sa unahan,” kuwento ni Garganta.

Papasok ng far turn ay unti-unting lumapit si Ambet Ko To sa unahan at sa huling kurbada ay nasa segundo puwesto na ito.

Nagtrabaho nang todo si Garganta sa rektahan kaya naagaw nila ang bandera sa liyamadong si Great Style sa huling 50 metro ng karera.

Nirehistro ni Ambet Ko To ang tiyempong 1:33 minuto sa 1,400-meter race sapat upang iuwi ng kanyang owner ang karagdagang P10,000 premyo mula sa Philippine Racing Commission (Philracom).

Sumegundo si Great Style habang terserong dumating si Arroblade.

Si Ambet Ko To ay pag-aari ni AC Alvina habang ang trainer ay si Donato Sordan. (Elech Dawa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *