Grabe ang corruption sa collegiate league

GOOD day mga ka-Abante!

The post Grabe ang corruption sa collegiate league first appeared on Abante.

grabe ang corruption sa collegiate league - Grabe ang corruption sa collegiate league
defense minister jerry codinera 1 - Grabe ang corruption sa collegiate league

GOOD day mga ka-Abante!

Malapit nang mag umpisa ang pinakaaabangan ng bayan na PBA.

Dahil sa matinding pressure ng sambayanang Pilipino sa manlalarong si Calvin Abueva na payagan nang makasali sa bubble sa Angeles City eh nagkatotoo na

Pinayagan na rin ni GAB chairman Baham Mitra na ibalik ang lisensya niya.

Mabuhay ka Comm. Willie Marcial, you did the right thing.

Sa mga nangyari nitong mga nakaraang buwan tungkol sa walang patid na lipatan ng players sa collegiate basketball, dapat siguro gawan ng paraan ng UAAP/NCAA na maiwasan ang corruption, pirata at impluwensiya sa mga manlalaro.

Nagkakaroon ng napakalaking advantage ang mga team na may corporate backing o unli-budget programs, subali’t sa mga team na walang suporta eh kadalasan nasa dulo ng standings, pagdating sa logistics hirap.

Ang kadalasang naririnig natin ay ang corruption nagsisimula sa gobyerno, pero maraming hindi nakakakita na grabe din ang corruption sa college basketball.

Kakaunti na lang ang tumitingin sa loyalty pagdating sa eskuwela lalo na kapag in-offeran ang mga manlalaro ng malaking allowance, o under table ‘ika nga extra budget galing sa mga alumni.

Hindi na iniisip ng mga batang manlalaro na hindi pera ang magpapahusay sa kanila, kung hindi sapat na training at playing time.

The post Grabe ang corruption sa collegiate league first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *