Gordon suko na sa slam dunk

PAKIRAMDAM ni ­Orlando Magic ­forward Aaron ­Gordon, dalawang beses na siyang nanakawan ng trophy sa nba All-Star Slam Dunk contest, nasilat na naman kay ­Derrick Jones Jr. ng Miami Heat sa United ­Center sa Chicago nitong Sabado.

gordon suko na sa slam dunk - Gordon suko na sa slam dunk
gorndon - Gordon suko na sa slam dunk

PAKIRAMDAM ni ­Orlando Magic ­forward Aaron ­Gordon, dalawang beses na siyang nanakawan ng trophy sa nba All-Star Slam Dunk contest, nasilat na naman kay ­Derrick Jones Jr. ng Miami Heat sa United ­Center sa Chicago nitong Sabado.

Noong 2016, kinapos din siya kay Zach LaVine ng Bulls.

Pagkatapos ng pangalawang runner-up finish, tapos na raw siya sa contest. Hindi na niya hahabulin ang mailap na dunk contest trophy.

“It’s a wrap,” pahayag ni Gordon kay Darnell Myaberry ng The Athletic “I feel like I should have two ­trophies.”

Tabla sina Gordon at Jones sa final round, nangailangan ng two extra rounds sa dunk-off para desisyunan ang winner.

Inumpisahan ni Jones ang dunk-off sa pagtalon sa dalawang tao bago tinapos ng between-the-legs scoop dunk, 50.

Sinagot ni ­Gordon ng dunk-over kay Chance the Rapper, pumilipit sa ere at dinakdak ng kanan. 50 rin.

Walang itulak-kabigin sina judges Scottie Thompson, Dwyane Wade, Candace Parker, Common at Chadwick Boseman.

Sa final dunk-off, nabigyan si Jones ng 48 nang mag-take off paglagpas lang ng free-throw line bago pinakawalan ang left-handed tomahawk.

Hinatak ni Gordon mula sa crowd si 7-foot-6 Boston Celtics rookie Tacko Fall, malinis na nilundagan bago ibinaon ang two-handed jam.

Gulat si 6-8 Gordon nang makita ang kanyang score – 47. Binigyan lang siya ng 9s nina Parker, Boseman, ­Pippen at Wade.

Pukpukan din sina Gordon at LaVine noong 2016. Pamatay ang under-the-legs dunk ni Gordon paalpas sa Magic mascot, pero nasilat pa rin siya ni LaVine 100-97 sa final.

Ayaw na ng ­24-anyos na forward na sumali sa susunod. (Vladi Eduarte)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *