Good boy na talaga: Abueva nominado sa Sportmanship Award

MALAKI na ang pinagbago ni Phoenix Fuel Masters stalwart Calvin Abueva nang makapaglaro na muli ito sa Philippine Basketball Association (PBA) matapos malatiguhan ng 16-month indefinite suspension.

The post Good boy na talaga: Abueva nominado sa Sportmanship Award first appeared on Abante.

good boy na talaga abueva nominado sa sportmanship award - Good boy na talaga: Abueva nominado sa Sportmanship Award
abante calvin abueva 2 - Good boy na talaga: Abueva nominado sa Sportmanship Award

MALAKI na ang pinagbago ni Phoenix Fuel Masters stalwart Calvin Abueva nang makapaglaro na muli ito sa Philippine Basketball Association (PBA) matapos malatiguhan ng 16-month indefinite suspension.

Kahit si league commissioner Willie Marcial ay labis ang tuwa sa ipinakitang pagbabago ng sikat na basketbolista nang lumaro ito sa 2020 PBA Philippine Cup na ginanap sa Pampanga.

Kaya naman, isa si Abueva sa mga nominado para sa PBA Sportsmanship Award para sa nagdaang All-Filipino Cup.

Bukod sa 32-year-old cager, nominado rin sa nasabing parangal sina Ginebra star Scottie Thompson, Rain or Shine guard Gabe Norwood, Terrafirma ace player CJ Perez at NLEX playmaker Kevin Alas.

Dagdag pa rito, kasama rin si Abueva sa listahan para sa Best Player of the Conference award.

Iaanunsyo naman ang mga magwawagi sa virtual PBA Awards Night sa darating na Enero 17. (JAToralba)

The post Good boy na talaga: Abueva nominado sa Sportmanship Award first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *